notícias musicais

top 13 artistas

top 13 musicas

Confira a Letra Peksman

Ogie Alcasid

Peksman

Hindi na ba matitigil
Ang pagdurusa kong ito
Wala na kayang katapusan
Ang paghahabol ko sa 'yo
Hindi mo ba ako pagbibigyan
Na ika'y makilala man lang
Heto na 'kong halos magkandarapa
Sa pagka-KSP bigay todo na

Sadya bang walang pagtingin ka sa 'kin
O 'di mo lang ako pansin
'Pagkat nagsusumigaw ang puso ko
Sana ito'y malaman mo

'Di bola yan, peksman
Ma-dedbol man si lelang
Ikaw ang s'yang pangarap ko
Tanging inaasam na ika'y makamtan
Ang dinarasal ng aking puso
'Wag na sanang mag-alinlangan sa 'kin
'Pagkat ako'y sobrang nabibitin
Laging langit na lang 'pag ika'y kapiling
Irog ko ako'y iyong dinggin

Damdamin ko ba'y iyong nilalaro
At kunwari'y 'di nabibisto
Na nais mo lang ang ako'y pahirapan
Ang pasensya ko'y sinusubukan
Buong puso pa rin ang aking pag-alay
'Pagkat ika'y sadyang walang kapantay
Dulot mo'y kasiyahan
Langit ang hangganan
Mga araw ko'y tanggal ang lumbay

Ano pa ba ang dapat gawin giliw ko
Sana'y tanggapin mo na ang aking pagsamo
'Pagkat nagsusumigaw ang puso ko
Sana ito'y malaman mo

'Di bola yan, peksman
Ma-dedbol man si lelang
Ikaw ang s'yang pangarap ko
Tanging inaasam na ika'y makamtan
Ang dinarasal ng aking puso
'Wag na sanang mag-alinlangan sa 'kin
'Pagkat ako'y sobrang nabibitin
Laging langit na lang 'pag ika'y kapiling
Irog ko ako'y iyong dinggin
'Di bola yan, peksman
Ma-dedbol man si lelang
Ikaw ang s'yang pangarap ko
Tanging inaasam na ika'y makamtan
Ang dinarasal ng aking puso
'Wag na sanang mag-alinlangan sa 'kin
'Pagkat ako'y sobrang nabibitin
Laging langit na lang 'pag ika'y kapiling
Irog ko ako'y iyong dinggin
'Di bola yan, peksman
Ma-dedbol man si lelang
Ikaw ang s'yang pangarap ko
Tanging inaasam na ika'y makamtan
Ang dinarasal ng aking puso
'Wag na sanang mag-alinlangan sa 'kin
'Pagkat ako'y sobrang nabibitin
Laging langit na lang 'pag ika'y kapiling
Irog ko ako'y iyong dinggin

'Di bola yan, peksman 'di bola yan
'Di bola yan, peksman
'Di bola yan, peksman 'di bola yan
'Di bola yan, peksman

Discografia